Japanese Etiquette
1. BEST SHOES FORWARD
Importante rin na malaman mo ang footwear culture ng Japan. For example: dapat mong hubarin ang sapatos or sandals bago pumasok sa temples or sa bahay ng host mo. Indoors, pwede mong i-check if merong uwabaki or indoor slippers yung bibisitahin mong bahay. Merong mga toilets na may sariling slippers so dapat mong i-check if tama ang suot mong foot wear!
2. A TIP ON TIPS
Mas mainam na wag mag-iwan ng tip kapag kakain ka sa mga restaurant sa Japan. So after ng iyong masarap na experience sa restaurant or bar, smile, give your thanks, and be on your way na lang.
3. 'WAG MAGTAPON NG BASURA KAHIT SAAN
Mahalaga ang pagiging malinis sa Japan, pero may mga lugar na konti lang ang basurahan. Kahit merong basurahan sa convenience stores and transport stations, limitado ang basurahan sa streets ng Japan. So gayahin natin ang Japanese locals na dinadala yung maliliit nilang basura hanggang makakita sila ng tamang basurahan.
4. TAKE A BOW
Totoo ang nakikita mo sa movies and anime na common ang bowing para magpakita ng respeto. Pwede ka mag-bow for different situations: greeting people, giving thanks, apologizing, o kahit para mag-good bye. Just remember na the deeper the bow, the more respectful it is.
Pwede din ang handshake pero mas common ang bowing sa Japanese culture.
5. 'WAG MAG EAT AND RUN (OR WALK)
Considered impolite ang kumain habang naglalakad in most places. Find a nice place to sit in and enjoy your snack.
6. A PEACEFUL COMMUTE
From trains leaving on schedule (down to the last second), respectful conductors, impressively clean seats and carriages, Japan’s penchant for politeness is very evident in their rail system.
With that in mind, merong mga important rules to take note pag sumakay ka ng trains:
- Bawal kumain. Kahit gaano kasarap pa man yung nabili mong snack, hindi pwede kumain sa train. Kailangan mong pigilan. Just enjoy the ride!
- Pwede kang kumain sa shinkansen (bullet train).
- Pumila nang maayos. Sundin ang painted lines and guides sa stations.
- Palabasin muna ang mga passengers sa train bago ka pumasok para hindi kayo magkasalubong.
- Don’t talk on your phone. Kung kailangang-kailangan na, pwede mong sagutin yung tawag sa mga compartment sa gitna ng carriages.