General Tips
1. A TOURIST HOTSPOT ALL YEAR LONG
Kahit anong panahon ka bumisita ng Japan, hindi ka mawawalan ng makikita at magagawa. Magical ang winter dahil sa snow; blooming ang mga bulaklak tuwing spring; napaka-exciting ng mga events sa summer, at napaka-peaceful naman during autumn. So, make sure to plan your trip wisely para ma-experience mo yung season na pinakagusto mo.
2. COMMON LANG MAG MASK
Kahit bago nag-pandemic, marami-rami na rin ang nagsusuot ng face mask sa Japan. Malaking tulong ito para hindi mo malanghap ang germs, bacteria, at viruses na nasa hangin. So, if you want to keep wearing your mask to feel safe, hindi ka makaka-offend.
3. ISULAT ANG MGA ADDRESS!
We’re sure na marami kayong gustong puntahan at makita sa Japan. At para sure ka din na makakarating ka sa gusto mong puntahan, makakatulong na isulat mo yung address ng mga lugar, kahit sa phone mo lang. Bonus tip: Mas-madali sa Japanese locals na ituro sa’yo ang direksyon pag sinulat mo yung address in Japanese.
4. KONBINI IS LIFE
Masarap at affordable na pagkain, malamig na inumin, toiletries, at iba pa. Lahat ng kailangan mo, meron sa konbini!
Halos bawat kanto ng Japan ay may konbini or convenience store, so kapag may kailangan ka, punta ka lang sa konbini. Maraming sikat na konbini sa Japan at mas magiging memorable ang trip mo kapag mabisita mo ang karamihan sa kanila.
5. CASH IS STILL USEFUL
Kahit marami-rami na ang stores na tumatanggap ng cashless payments, mas mabuti pa rin na magdala ng cash tuwing lalabas para sure ka na mabibili mo lahat ng gusto mong pasalubong!
6. ITINIRARIES AND EXPLORATION
Kung plano mong um-attend ng events sa trip mo sa Japan, make sure na tama ang date, time at location ng pupuntahan mo para hindi masayang ang oras mo sa pagpila or paghanap ng venue! Pwede mo rin bisitahin ang mga tourist information centers located all over Japan. To learn more, click here.
Of course, mas swabe ang trip kung meron kang planned itinerary para sa Japan. Pero to make your trip more memorable, pwede niyo rin subukan ang spontaneous trip sa ibang parte ng Japan. Japan is full of surprises at sure kami na mas magiging masaya ang trip sa mga biglaang pag-libot.
7. SARAP NG FOOOOD!
Walang makakatalo sa ramen and sushi ng Japan, pero mas marami pang options ang Japanese cuisine. Super creative ang Japan pag dating sa food, so if willing kang gumastos ng kaunti, merong mga kaiseki or multi-course meal para sa mas unique na experience. Para naman sa mga hungry travellers, merong mga Izakaya or “Japanese gastropubs” na mas maraming options.
Food is one, if not the best, way to fully experience Japanese culture dahil sa dami ng creative and tasty options nila. Tabemashou!
8. SHOT!
Saké ang pinaka-iconic na drink ng Japan. Bago ka umuwi ng Pilipinas, kailangan mo tong masubukan - kahit isang beses lang. Try to plan a tasting session or take a brewery tour, ito ang mga pinakamadaling paraan para matikman ang history ng Japan. Say nihonshu when you order para ma-impress sayo ang restaurant staff!
9. PADALIIN ANG COMMUTE
Pagdating mo sa Japan, get IC cards like Suica or Pasmo for easier travel. Mabibili mo tong mga cards sa mga ticket machines or ticket counters sa train stations. Magiging mas madaling sumakay sa super convenient na public transport ng Japan if handa ka with your chosen IC Card, at meron pa itong mga promos para makatipid ka. Pwede din loadan ang mga card para ‘di na kailangan bumili ng ticket bawat sakay. Pwede ka ring kumuha ng rail pass para makatipid sa transpo. To learn more about easy transportation around Japan, click here.